Matapos na magtalumpati si Romualdez sa pagsisimula ng mga aktibidad, sinabi niya na titiyakin niya na ang pinaka-mahalagang asset – ang mga manggagawa ng Kamara – ay mabigyan ng isang condusive na work environment.
Ngayong araw ang simula ng isang buwan na pagdiriwang, upang alalahanin ang anibersaryo ng Kamara de Representanter, na may temang “One House, One Voice.”
Nagsimula ang aktibidad sa parada ng mga kalahok na mga kawani ng Kapulungan, sa pangunguna ng MMDA Drum and Bugle Corps.
Itinampok naman sa unang araw ng palaro para sa mga kawani ang timpalak tulad ng banner making, MX HRep at cheering competition.
Nagpahayag rin ng ganap na suporta si Romualdez sa mungkahi ni House senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander "Sandro” Marcos na magpapalakas sa kakayahan ng mga HRep staff, kabilang ang mambabatas, opisyal ng secretariat at mga kawani.
“I am concerned not only in your health and physical well-being. I also wish to ensure that advancement of careers in the House of Representatives will be based on merits,” aniya. "We have to advance the development of existing legislative skills and capabilities of Members, officials, secretariat and congressional staff of the House."
“We are assured of a safe workplace by strictly enforcing health and wellness protocols and providing systems and safeguards that will protect the House Members, officials and employees, and even our guests,” dagdag pa niya.
Itatampok sa HRep Month ang mga palaro at palakasan sa sports fest, at iba pang mga aktibidad sa mga darating na araw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento