Martes, Oktubre 04, 2022

FACE TO FACE CLASSES, MAAARING MAGING DAAN NG OUTBREAK SA SAKIT NA TIGDAS O MEASLES

Ang napipintong pagpapatupad ng 100 percent face to face classes sa November ay maaring maging daan para mangyari agad ang pinangangambahang outbreak ng sakit na tigdas o measles.


Sinabi ni Committee on Ways and Means Chairman at  Albay 2nd  District Representative Joey Salceda na ang magiging madalas na paghalubilo sa isa't isa ng mga mag-aaral dahil sa face to face classes ay mas magpapabilis sa pagkalat ng measles.


Binanggit din ni Salceda na base sa datus ng Department of Health ay 

63% pa lang ang mga bata at mga sangol na bakunado laban sa measles na malayo sa target na 95 percent.


Bunsod nito ay iginiit ni Salceda, na gamitin ang face-to-face classes para mapag-ibayo ang pagbabakuna at maipaliwanag sa mga magulang ang kabutihan at proteksyong idudulot nito.


Iminungkahi din ni Salceda ang mahigpit na pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, DOH at Department of Education para mas maraming bata ang mabakunahan kontra measles.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento