Nagdaraos ang Tanggapan ni Speaker Martin G. Romualdez ng tuloy-tuloy na pagpupulong sa mga kinauukulang ahensya, at mga matataas na opisyal ng pamahalaan ngayong linggo, upang matiyak ang maayos na koordinasyon sa relief drive para sa mga biktima ng Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).
Ipinahayag ni Romualdez na nakatanggap na siya ng mga pangakong ayuda mula sa kanyang mga kapwa mambabatas, na pinangungunahan ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, chairman ng Komite ng Appropriations, at mga pribadong indibiduwal hinggil sa relief drive at nauna nang nakakalap ng P35-milyong halaga ng mga donasyon at pledges hanggang 12:45 ng umaga ngayong Linggo.
Bukod sa P35-milyon, nakatanggap rin si Speaker ng pangakong ayuda mula sa pribadong sektor, na nangakong tutulong sa produksyon ng mga kinakailangang relief packs.
Naging abala ang tanggapan ni Romualdez sa pakikipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), gayundin sa Office of the Civil Defense (OCD), Department of National Defense (DND), at iba pang kagawaran at mga ahensya upang matulungan ang mga biktima ng bagyo.
“During the darkest hours, the House of the People in coordination and partnership with the Marcos administration is always here to assist and help Filipinos in their time of need. We will support all the national government initiatives in pursuing relief and recovery efforts in areas affected by typhoon Paeng,” ani Romualdez.
Si Romualdez na kumakatawan sa Unang Distrito ng Leyte sa Kapulungan, ay nakikipag-ugnayan rin sa Departments of Health (DoH), Education (DepEd), Interior and Local Government (DILG), Public Works and Highways (DPWH), Trade and Industry (DTI), Energy (DoE), Transportation (DoTR), Information and Communications Technology (DICT) at iba pang mga kagawaran, upang makakuha ng malinaw na kaganapan sa epekto ng bagyo sa mga Pilipino, hinggil sa kalusugan, rescue missions, imprastraktura, edukasyon, halaga ng mga pangunahing bilihin, kuryente, transportasyon, komunikasyon, at iba pang mga alalahanin kaugnay ng kalamidad.
Binanggit niya rin na tutugon ang Kapulungan sa mga pangangailangan ng mga kinauukulang kagawaran kaugnay ng kalamidad, sa usapin ng pagsasapinal ng panukalang badyet para sa 2023.
Isinapubliko noong Sabado ng gabi ang hinggil sa relief drive sa Speaker's social media platforms.
Hanggang alas 10 ng umaga ngayong Linggo, sinabi ni Romualdez na siya at ang kanyang may-bahay, Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, chairperson ng House Committee on Accounts, ay tumugon sa mga panawagan nina Reps. Emmanuel Billones (Capiz, 1st District), Jane T. Castro (Capiz, 2nd District), Carlito S. Marquez (Aklan, 1st District), Teodorico “Ted” Haresco Jr. (Aklan, 2nd District), Ferjenel G. Biron (Iloilo, 4th District), Gerardo Valmayor Jr. (Negros Occidental, 1st District), Antonio Legarda Jr. (Antique, Lone District), Mohamad P. Paglas (Maguindanao, 2nd District), Bai Dimple I. Mastura (Maguindanao at Cotabato City, 1st District), David “Jay-jay” C. Suarez (Quezon, 2nd District), former Speaker Lord Allan Velasco (Marinduque, Lone District), House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe (Zamboanga City, 2nd District), Mercedes K. Alvarez (Negros Occidental, 6th District), Maria Theresa V. Collantes (Batangas, 3rd District), Sittie Aminah Q. Dimaporo (Lanao del Norte, 2nd District), Cavite Rep. Lani Mercado Revilla (Cavite, 2nd District), Ramon Jolo B. Revilla III (Cavite, 1st District), at Marlyn "Len" B. Alonte (BiƱan City, Lone District), at Governors Fredenil “Fred” H. Castro of Capiz at Florencio “Joeben” T. Miraflores ng Aklan para sa ayudang pinansyal at pagkain.
Sa pakikipag-partner kay Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo, sinabi rin ni Speaker Romualdez na ang mga naunang pangalan ng mga kapwa niya mambabatas na humihingi ng tulong mula sa kanila, ay makatatanggap rin ng ayuda mula sa programa ng kagawaran na, Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Sinabi rin ni Speaker na naghanda rin ng isang relief mission si Tingog party-list Rep. Jude Acidre para sa Cotabato, Eastern Visayas, at iba pang lugar na apektado ng bagyong Paeng.
“Sa tulong ng mga kasama nating mambabatas sa House of Representatives, magsasagawa ang Office of the Speaker ng relief drive at operations para sa mga komunidad na nasalanta ng Bagyong Paeng. Maglalaan tayo ng pondo para simulan ang pagbili ng mga kakailanganing relief goods tulad ng bottled waters, canned goods, bigas at iba pang basic necessities na ipapadala sa mga apektadong komunidad,” ani Speaker Romualdez.
“Nananawagan din tayo sa pribadong sektor na makibahagi sa relief operations drive na ito at magpadala ng anumang tulong na maibabahagi nila sa mga nasalanta ng bagyo. Sa mga nagnanais at interesadong tumulong, maari po kayong tumawag sa numerong nasa baba (09171064969). Maliban dito, nag-coordinate na rin po tayo sa mga ahensya ng NDRRMC para maipaalam ang sitwasyon sa mga distrito base sa report ng ating mga kasama sa Kongreso. Asahan po ninyo na gagawin natin ang lahat para makabangon sa panibagong hamon na dala ng bagyo. Maraming salamat po at mag-ingat po tayong lahat,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento