Bilang dagdag nutrisyon at matugunan ang problema sa kakulangan ng bigas, inatasan ni House Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin ang Department of Agriculture(DA) na palakasin ang produksyon ng kamote habang hinimok nito ang mga restaurant at karinderya sa buong bansa na gawing alternatibo sa isinisilbing kanin ang kamote.
Ayon kay Garin hindi dapat kalimutan na malaking bahagi ng malnutrisyon ay “self-inflicted” o gawa din ng may sariling katawan, upang matugunan ito ay panahon na para magkaroon ng food alternatives gaya na lang sa kanin.
“hindi na dapat “Rice is life”. We call on restos to use kamote as alternative to rice and use kamote as French Fries. What we need now is kitchen innovations,”paliwanag ni Garin.
Sinabi ni Garin na kung may food option sa mga menu ng mga restaurants lalo pagdating sa kanin ay tiyak na simula na din itong magugustuhan ng mga Pinoy.
“Kamote is more filling and suppresses hunger pangs longer. Rice cannot match the nutritional values of kamote because rice converts to sugar in the body, that makes one vulnerable to diabetes. Too much rice consumption can make you sick but kamote can bring you to health and keep away some health problems and these have been proven medically, kamote lowers hypertension, bad cholesterol and even blood sugar when eaten as substitute to rice”pahayag ni Garin na isang doctor.
Ani Garin sa ibang bansa gaya ng South Korea, Japan at Estados Unidos, tinuturing ang kamote bilang super food at kabilang ito sa kanilang pang araw araw na diet habang sa Pilipinas na may malaking produksyon ng kamote ay isinasantabi lang ito.
Sinabi ni Garin na panahon na para tutukan at ipromote ng DA ang kamote bilang alternatibo sa kanin, aniya, 2011 pa nang simulang isulong ng DA ang kamote bilang rice alternative subalit hindi ito nagtagumpay dahil na rin sa mahinang promosyon.
“Ngayon na may problema sa supply ng bigas at idinudugtong din ang mataas na kunsumo ng kanin sa pagkakaroon ng Type 2 diabetes ng mga Pinoy sinabi ni Garin na panahon na para bantayan ang diet at kung maaari ay iwasan ang masyadong maraming kanin.
Minungkahi ni Garin na upang makamit ang kamote bilang rice alternative ay dapat tutukan una ng DA ang pagbalangkas ng mga programa para mapataas ang produksyon ng kamote habang ipinapanukala din nitong bigyan ng insentibo ang mga restaurants na gagamit ng kamote bilang pamalit sa kanin o sa French fries.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento