Miyerkules, Oktubre 12, 2022

PANAWAGAN NG KONGRESO NA IHINTO NA ANG O PERASYON NG POGO, IPINURSIGE NI BARBERS

Nananawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa pamahalaan na pakinggan ang panawagan ng mga Senador at Kongresista na ihinto ang operasyon ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.


Sinabi ni Barbers na mas mabigat ang pinsalang idudulot ng POGO sa moralidad ng mga Pilipino at sa lipunan kumpara sa  benepisyong dulot nito.


Ayon kay Barbers, hindi naman nilalahat, pero ang POGO ang tila naging ‘root of evil’ o ugat na naglikha at nagdala  ng bisyo at krimen sa ating bansa.


Binanggit ni Barbers ang kidnap for ransom, prostitution, murder, extortion, online scamming tulad ng pishing at e-mail spoofing, illegal drugs, money laundering, human trafficking, graft and corruption, at iba pa bilang mga ugat ng kreming dulot sa bansa.


Idinagdag pa ni Barbers na bawal sa China ang online gaming o kahit anong sugal kaya nakakadismaya na pinapayagan sa Pilipinas ang POGO.


Binanggit din ni Barbers ang mga report na nagiging daan ang POGO para makapasok sa bansa ang mga prostitutes mula sa China, Myanmar, Malaysia at Vietnam na nagpapanggap na POGO workers at nagsisi-serbisyo din sa mga POGO workers.




Dismayado din sa Barbers na hindi naman nakamit ang sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na aabot sa P32 billion o higit pa ang maaring koleksyon ng pamahalaan sa POGO kadabtaon.


tinukoy ni Barbers ang mga report na mula sa P7.1 billion na koleksyon sa POGO noong 2020 ay bumaba pa ito sa P3.19 billion ngayon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento