Sinabi ni Duterte na ito ay dahil magiging malaking tulong ang SIM registration act sa mga law enforcement agency sa pagresolba ng mga krimen gamit ang mobile phone units.
Ayon pa kay Duterte, malaki ang epekto sa araw-araw na pamumunay sa bagong batas dahil ngayon na ang panahon para paghusayin natin ang digital security.
Samantala, binanggit naman ni Benguet Rep. Eric Yap na sa pamamagitan ng SIM registration act ay mas magkakaroon na ang subscriber ng pananagutan sa paggamit ng SIM card na magiging konektado na sa ating pagkakakilanlan.
Dagdag pa ni Yap, walang dapat ipag-aalala sa pagpaparehistro ng SIM cards dahil nakapaloob sa batas ang special provision para ingatan ang mga impormasyon ukol sa may-ari ng SIM cards.
Sina Duterte at Yap ay kabilang sa mga may-akda ng SIM registration Act na layuning matuldukan na ang mga panloloko, ilegal na gawain at iba't ibang krimen gamit ang SIM cards.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento