Hindi pa tapos ang laban! Maralita at mamamayan, magkaisa!' - Kabataan Partylist
Inanunsyo ni Kabataan Partylist Rep Sarah Elago na hindi pa tapos ang
laban ng maralitang lunsod kasunod ng anunsyo ng National Housing Authority
(NHA) na ipoproseso na nila ang aplikasyon ng mga umokupa sa mga nakatiwangwang
na housing units ng NHA sa Bulacan.
Ikinalulugod man umano nila
ang magandang balitang ito, ito’y isang hakbang pasulong pa lamang kung kaya’t
kailangang mas patatagin pa umano nila ang kanilang hanay at ituloy ang laban,
laluna na sa anumang porma ng panloloko at panggigipit at hindi daw sila dapat
maging kampante.
Sinabi ni Elago na ito ay isang hakbang umano tungo sa tagumpay at pagpupugay
sa KADAMAY at sa lahat ng maralitang lumalaban. Patunay umano ito sa lakas ng
sama-samang pagkilos ng mamamayang nagkakaisa.
Ngunit hindi pa umano tapos ang laban hangga’t hindi pa napapasakanila
nang tuluyan ang mga bahay, at hangga’t ang milyong-milyong maralita sa bansa
ay wala pang sariling bahay, tuloy pa rind daw ang laban.
Noong Lunes, ika-27 ng Marso, nagkaroon ng diyalogo sa pagitan ng NHA at
KADAMAY, kasama ang ilang kinatawan mula sa Makabayan bloc at sa ginawang press
conference ng Makabayan matapos ang diyalogo, inanunsyo nila na ang ilan sa mga
napagkasunduan ng dalawang panig: (1) imbes na eviction ay magkakaroon na ng
on-site validation at processing ng applicant para sa housing; (2) magkakaroon
ng continuous processing at profiling on-site simula April 3 para sa mga
miyembro ng KADAMAY at para naman sa 171 na nakapirma na sa housing information
form, ipoproseso na ito kaagad; at (3) ipupull-out na ang lahat ng pulis at
militar para maiwasan ang anumang harassment.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home