Lunes, Abril 03, 2017

National Feed Program, aprubado na sa Kamara

Sa pagsikap ng Kamara de Representates na mapangalagaan ang mga batang mag-aaral laban sa masamang epekto ng malnutriation at upang mapaganda ang kanilang learning practices, inaprubahan nito sa pangalawang pagbasa ang HB05269, ang panukalang naglalayong i-institutionalize ang National School Feeding Program para sa public kindergarten at elementary pupils.

Ang panukalang ito ay inendorso para aprubahan sa plenaryo ng committee on basic education and culture na pinamunuan ni Sorsogon Rep Evelina Escudero.

Sinabi ni Cebu City Rep Raup del Mar, principal na may-akda ng panukala ang mga bata na pumapasok sa eskuwela na practically ay walang almusal galling sa kanilang mga tahanan ay hindi maaasahang makakapag-absorb ng mga leksiyon sa eskuwela habang kumakalam ang kanilang mga sikmura.

Ang panukala, ayon pa kay del Mar, ay ipapatupad sa mga public school dahil karamihan o halos lahat nga mga school children na naka-enrol ay galing sa mga mahihirap na pamilya at sila ay nagdurusa sa undernourishment at malnourishment na sadyang nakaka-apekto sa kanilang kapasidad na maka-attain at mgaka-maintain ng average academic performance.

Ang HB05269 ay nagdi-deklara na palisiya ng Estado na i-promote ang karapatan ng mga bata para sa survival, development at special protection na may buong pagkilala hinggil sa nature ng childhood at ang mga special needs nito.
ThinkExist.com Quotes