Nautical Highway at Lent travel safety tinalakay sa Kamara
Bagamat nasa congressional recess ang Kamara, ang House committee on
transportation na pinamunuan ni Catanduanes Rep Cesar Sarmiento, ay nagdaos ng
sesyon noong a-biente nuebe ng Marso upang iulat ang naging outcome ng 11-day
Western-Eastern Nautical Highway Expidition na isinagawa noong 17 hanggang 27
ng Marso ng kasalukuyang taon.
Ang mga lawmaker ay sumali sa 11-day caravan sa
iilang mga parte ng Luzon, Visayas at Mindanao upang mag-inspectng nautical
highway, mga kalsada, mga tulay, at mga tourist distination.
Pinag-aralan din ng komite ang mga plano ng mga concerned agency at mga
stakeholders sa paghahanda ng paparating na Holy Week, kasama na rin ang
kanilang contingency measures para sa mgha inaasahang traffic congestion.
Ang mga measure na ito ay upang maseguro ang convenience, safety at
security ng riding public at ang pagpapalawig at pagpapalago ng local tourism.
Sa paumpisa ng hearing, pinasalamatan ni Sarmiento si House Speaker
Pantaleon Alvarez at ang House leadership sa paggawa ng kauna-unahang Naval
Highway, Roads and Ports Inspection na naging isang reality.
Ayon kay Sarmiento, ang suporta nina Speaker Alvarez at Majority Leader
Rodolfo Farinas ay mahalaga para maging worthwhile endeavor at isang reality ang
kanilang ginawa.
Ang kanilang isinagawang Highway Inspection, ayon pa kay Sarmiento, ay
makasaysayan dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang buong liderato ng Kamara
ay nag-inspeksiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Pinasalamatan
din ni Sarmiento ang iilang mga chairman ng mga komite na sumali sa
transportation panel at iilang ding mga legislator na kasama sa mga roll-on, roll-off
(RORO) inspeksiyon.
May iilan ding mga sumama na galing sa iilang mga ahensiyang pamahalaan
at mga stakeholders.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home