BADYET NG OVP, MABILIS NA INAPROBAHAN NG KOMITE SA KAMARA 2
Tulad ng inaasahan mabilis na lumusot ang 2023 proposed budget ng office of the vice president na nagkakahalaga ng 2.3 billion pesos.
Mas mataas ito ng 200 percent kumpara sa 2022 budget ng office of the vice president sa panunungkulan noon ni VP Leni Robredo na nagkakahalaga lamang ng 702 million pesos.
Bilang courtesy, hindi na pinatagal ng kamara sa pamamagitan ng house committee on appropriations ang budget briefing ng OVP at agad itong pinagtibay ng kamara…
Nagpasalamat naman si vp sara sa kamara sa mabilis na pagpapatibay sa panukalang budget ng kanyang tanggapan sa susunod na taon…
pakinggan natin si vice president sara duterte…
Vc:
Samantala, Full house ang nograles hall at present ang mga lider ng kamara sa pangunguna ni house speaker martin romualdez, senior deputy house speaker gloria macapal arroyo at mga lider ng majority at minority bloc.
Pangungunahan din ni VP Sara ang budget briefing naman para sa panukalang 2023 budget ng department of education kung saan siya ang kalihim.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home