DAPAT MASURI KUNG EPEKTIBO PA BA ANG PHILIPPINE CENTER FOR POSTHARVEST DEVELOPMENT AND MECHANIZATION - REP. GOMEZ
Ipinasisilip ni Leyte Rep. Richard Gomez sa Department of Agriculture o DA ang mandato at trabaho ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PHilMech.
Sa isang pahayag, sinabi ni Gomez na napapanahon nang suriin ng DA kung epektibo pa ba ang PhilMech, sa gitna ng mga plano ng administrasyon Marcos na palakasin at pagtibayin ang sektor ng agrikultura.
Noong nakalipas na budget hearing para sa panukalang 2023 budget ng DA, inungkat ni Gomez ang tila hindi pakikipag-ugnayan o walang koordinasyon ang PhilMech sa regional offices.
May mga reklamo rin aniya mula sa ibang local executives ukol sa estado ng farm equipment na mula sa PhilMech.
At kamakailan, may alegasyon laban sa PhilMech ukol sa umano’y ng katiwalian at “overpricing” ng mga traktora na ipinamigay sa ilang farmers cooperatives at asosasyon, pero pinabulaanan naman ito ng ahensya.
Giit ni Gomez, malaki ang papel ng PhilMech sa sektor ng agrikultura at pangisda, partikular sa postharvest industry.
Pero, kung hindi na kaya ng ahensya na gawin ang tungkulin nito sa maayos na paraan, napapanahon nang pag-isipan ng DA kung ano ang dapat kalagyan ng PhilMech.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home