LEDAC MEETING NA IPATATAWAG NI PBBM, MAKATUTULONG SA PAGPASA NG MGA PRIORITY BILLS NG ADMINISTRASYON
Ipatatawag na LEDAC meeting ni PBBM makatutulong para sa close coordination ng Senado at Kamara sa mga priority bill ng administrasyon
Makatutulong ang pagpapatawag ni Pangulong Bongbong Marcos ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting sa September 27 para sa maayos na koordinasyon ng Senado at Kamara sa mga priority bills ng administrasyon.
Sa Ugnayan sa Batasan News Forum, sinabi ni Congressman Lorenz Defensor, mahalaga ang koordinasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso at maiwasan na ma-veto ang ilang bills pagdating sa tanggapan ng Pangulo.
Ayon kay Defensor, napapanahon ang LEDAC meeting dahil tinatalakay ng Kamara ang 2023 proposed national budget at nakatakda na rin himayin ng Senado ngayong linggo ang National Expenditure Program.
Sa panig ng Kamara, sinabi ni Defensor na nasa schedule ang pagtalakay nila sa 2023 proposed national budget kung saan isasalang na ito sa plenaryo sa susunod na linggo.
Bukod sa Department of Health na inabot ng hanggang alas ocho kagabi ang budget briefing… sinabi ni Defensor na baka mas matagal ang magiging paghimay ng budget ng Deparment of Public Works and Highways dahil maraming parochial concerns ang mga mambabatas.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home