MAITUTURING NA GAME CHANGER ANG ISINASAGAWA NG NTF-ELCAC PARA SA DND
Maituturing na game changer para sa Dept of National Defense ang NTF-ELCAC.
Ito ang binigyang punto ni Defense Senior USec. Jose Faustino Jr sa budget briefing kanina ng ahensya sa Kamara.
Sinabi ni DND Undesecretary Fautisno na mula ng ilunsad ang programa noong 2019 ay nagkaroon ng malaking pagbaba sa banta mula sa communist-terrorist group.
Katunayan, aniya, sa loob lamang ng tatlong taon, umabot na sa 60 guerilla fronts ang kanilang nabuwag.
Kaya patuloy ayon sa kanya, na susuportahan ng DND ang NTF-ELCAC.
Para sa 2023, pinaglaanan ng P310.8 Billion ang DND.
P240.2 billion dito ay para sa regular fund habang ang nalalabing P70.5 Billion ay para sa pensyon at gratuity fund.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home