IMINUNGKAHI SA KAMARA NA PALAKASIN ANG BOOSTER CAMPAIGN NG GOBYERNO AT BAKUNAHAN NA ANG MGA BATA
Ito ang mungkahi ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor nang matanong kung paanong hindi masayang ang kasalukuyang stock ng COVID-19 lalo at sa unang quarter ng 2023 ay posibleng dumating na ang new generation ng bakuna.
Ayon kay Defensor dapat palakasin pa ng DOH, local government at maging silang mga kongresista ang pangungumbinsi sa publiko na magpabakuna na primary dose man ito o booster shot.
Maaari pa aniya na bigyan ng insentibo tulad ng ayuda ang mga magpapabakuna upang mas ma-engganyo na ang mga ito na magpa-vaccinate.
Katunayan, pabor ang mambabatas na buksan na sa general population ang pagbibigay ng ikalawang booster dose.
Dagdag pa ng kinatawan, upang ma-dispose o magamit na ang lahat ng kasalukuyang COVID-19 vaccine stock ay bakuanhan na rin ang mga kabataan.
"at least for now, sa palagay ko, we have to dispose of the remaining vaccines that we have procured with the best efforts from the Department of Health, from the LGU level, and it's also the responsibility of the national government, pati kami to encourage people to get boosters ang mga wala pang vaccine, magpa-vaccine and to puish for the department of health's policy ang mga bata na gusto nang magpa-vaccine, bigyan na sila ng vaccine. dahil sigurado ako a big portion of the remaining vaccines we procured. magagamit natin para sa mga magulang na gustong ipabakuna yung kanilang mga bata." ani defensor.
Una nang inilapit ni Defensor sa DOH na ikonsidera ang pagbabakuna sa mga bata edad 4 na taong gulagn pababa sa budget briefing ng ahensya kahapon, bukod pa sa inihaing House Resolution 270.
Para naman mapawi ang pangamba ng mga magulang ay mahalaga na maging malinaw ang information drive kaugnay sa benepisyo ng dulot ng pagbabakuna kontra COVID.
"siguro po pagdating sa encouragement, we go back to the basics of educating the public na may health benefits for children who want to get, to parents and their children who want their children. malaking bagay po kasi ang awareness, para sa akin. there was a very slow increase i npercentage of vaccination lalo na sa mga rural areas kasi kulang po ang ating information dissemination." saad ng kinatawan.
##
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home