Martes, Setyembre 13, 2022

PAGBUNTON NG SISI NG ISANG OPISYAL NG DA SA MGA LOKAL NA MAGSASAKA DAHIL SA SOBRA-SOBRANG SUPLAY NG BAWANG, PAIIMBESTIGAHAN NG MAMBABATAS

Sa privilege hour ngayong Lunes sa plenayo, sinabi ni Rep. Rosanna Vergara (3rd District, Nueva Ecija) na maghahain siya ng resolusyon, upang imbestigahan batay sa ipinahayag at pagsisisi ni Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa mga lokal na magsasaka, sa sobra-sobra umanong suplay ng bawang at mga repolyo. Ayon kay Vergara, ipinaliwanag ni Panganiban na hindi umano isinaalang-alang ng mga magsasaka ang market value chain. 


“Small farmers tilling less than five hectares face a myriad of challenges, such as poor infrastructure, high cost of inputs, limited access to credit, and the most important constraint gaining access to consistent and profitable markets for their produce,” aniya. 


Ipinunto ni Vergara na nagkukumahog ang mga magsasaka na maihatid sa mga sonsyumer ang kanilang mga produkto dahil sa kakulangan ng mga post harvest processing facilities, storage facilities, at mga kinakailangang market networks, na siyang dahilan ng pagiging umaaasa nila sa mga middle men para bilhin ang kanilang mga produkto. 


“What makes farmers’ situation worse is that middle men charge disproportionately a large share in the profit margin at the expense of poor farmers,” malungkot niyang pahayag. Iginiit ni Vergara na kung tunay na matapat si Panganiban na matugunan ang suliranin sa sektor ng agrikultura, dapat ay nakipag-ugnayan muna siya sa opisyal ng DA na siyang namamahala ng mga usapin sa bawang bago siya nagbitaw ng paninisi. 


“May mga bahagi ng value chain na sa ngayon ay kanya kanya ang operasyon, pagtibayin natin ang koordinasyon sa iba’t ibang bahagi nito,” aniya, na nagpapaabot ng ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang 2022 State of the Nation Address.

ThinkExist.com Quotes