Lunes, Setyembre 12, 2022

2022 METROBANK FOUNDATION OUTSTANDING FILIPINOS, PINARANGALAN NG KAPULUNGAN

Pinuri at pinarangalan ngayong Lunes ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang 10 awardees ng Metrobank Foundation Outstanding Filipinos of 2022, sa kanilang pagbisita sa Kongreso. 


Ang mga awardees ay kinabibilangan ng apat na guro, tatlong opisyal ng pulis, at tatlong kawal na isa-isang pinangalanan sa sesyon ng plenaryo na pinangunahan ni Speaker Romualdez. 


Pinagtibay rin ng Kapulungan ang House Resolution 345, mula sa pinasama-samang HRs 308, 309, at 351, na nagbibigay parangal at pumupuri sa mga awardees dahil sa kanilang dedikasyon at propesyunalismo, sa larangan ng kanilang mahusay na serbisyo-publiko. 


Ang mga awardees ay sina: Junmerth Jorta, Teacher 1 ng Keupiyanan Te Balugo sa San Fernando, Bukidnon; 2) Christine Joy D.R, Aguila, Ph.D., Special Science Teacher 5 ng Philippine Science High School – Main Campus sa Lungsod ng Quezon; 3) Mark Nolan Confesor, Ph.D., Professor 6 ng Mindanao State University - Iligan Institute of Technology sa Lungsod ng Iligan; 4) Leonila Dans, M.D., M.Sc., Professor 12 ng College of Medicine - University of the Philippines Manila; 5) Police Executive Master Sergeant Rogelio Rodriguez Jr., Investigador sa Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Lunsod ng Quezon; 6) Police Captain Rosalino Panlaqui, Chief of Police ng Jalajala Municipal Police Station sa Jalajala, Rizal; 7) Police Colonel Lambert Suerte, Battalion Commander, Regional Mobile Force Battalion - National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Lungsod ng Taguig; 8 ) Technical Sergeant Joel Tuganan, First Sergeant ng Delta Company, 33rd Infantry Battalion, 6th Infantry Division, Philippine Army sa Radjah Buayan, Maguindanao; 9) Colonel Maria Victoria Juan NC, Army Chief Nurse, Office of the Army Chief Nurse sa Fort Bonifacio, Lungsod ng Taguig; at 10) Colonel Stephen Cabanlet PN(M), Assistant Chief of Unified Command Staff for Operations, U3, Western Command, Camp Gen. Artemio Ricarte sa Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan. 


Isinasaad sa House Resolution 345 na matapos ang masinsinang proseso ng pagpili, ang mga nagwagi ay pinili batay sa kanilang ugali, kahusayan, pagiging dedikado, na ipinamalas sa pamamagitan ng makasanayang programa at inklusibong pagsisikap sa pagbuo ng mga komunidad. 


Ang mga awardees ay pinili mula sa daan-daang nominado na karapat-dapat para sa pinakamasidhing pagpapahalaga at pasasalamat. 


“Ang Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ay nagbibigay parangal sa mga propesyunal na natamo at personal na tagumpay ng nasa akademya, sandatahang lakas, at pulisya na nabubuhay sa pagpapahalaga ng patriyotismo, integridad, at pagiging mapamaraan, at isinakatuparan ang kanilang responsibilidad sa lipunan sa pagganap nila sa kanilang mga tungkulin”, ayon sa resolusyon. 


Ang HR 345 ay iniakda nina Speaker Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, kasama sina Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. 


Ang mga awardees ay sinamahan ng mga opisyal ng Metrobank Foundation sa Bulwagan ng Kapulungan, na pinamumunuan nga kanilang Presidente, Aniceto Sobrepeña.

ThinkExist.com Quotes