Lunes, Setyembre 12, 2022

WALA PA RING BAKUNA ANG BANSA KONTRA DENGUE

Wala pa ring bakuna ang bansa kontra dengue.


Ito ang nilinaw ni Health OIC Sec. Maria Rosario Vergeire sa mga mambabatas sa budget briefing ng DOH.


Kasalukuyan pa rin aniyang pinag-aaralan kung ano ang pinakaminam na bakuna para sa mga bata kontra dengue.


At sakali man na may matukoy na, ay kailangan pa rin itong dumaan sa regulatory process.


Natanong kasi ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palmar kung ano ang aksyon na ginagawa ng ahensya para tugunan ang tumataas na kaso ng Dengue at kung kasama dito ang pagbabakuna.


Ayon kay Vergeire, sa nakalipas na dalawang linggo ay nakapagtala nga ng pagtaas sa kaso ng dengue na lagpas nsa epidemic threshold.


Bunsod nito ay pinakilos na ng DOH ang mga local government unit at iba pang sektor sa pagpapatupad ng kanilang “4S Kontra Dengue’


Bahagi nito ang suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok; protektahan ang sarili laban sa lamok; sumangguni agad sa pgamutan kung may sintomas ng dengue at supmuporta sa fogging o spraying kapag may banta ng outbreak.


##

ThinkExist.com Quotes