AMIYENDA SA MENTAL HEALTH ACT, ISINUSULONG SA KAMARA UPANG MAGAMIT ANG COMPENSATION BENEFITS NITO NG MGA MANGGAGAWA
Sa panukala ni Vargas, dapat agad na matanggap ang compensation benefits at iba pang special financial assistance kapag ang manggagawa ay nagkaroon ng temporary or permanent mental disability habang ginagampananniya ang kanyang tungkulin.
Sinabi ni Vargas na ayon sa report ng Department of Health noong 2021, tinatayang 3.6 million Filipinos ang nakararanas ng mental health problem noong kasagsagan ng pandemic.
1.14 million dito ay nakararanas ng depression… 847,000 ay nakararanas ng alcohol-use disorders at 520,000 ang may bipolar disorders.
Ayon sa kanya, sa kasalukuyan, P7,800 pesos lang ang benefit coverage ng Philhealth para sa hospitalization ng pasyente na na-diagnose ng mental at behavioral disorders at hindi anya ito sapat.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home