ARAW NG MGA SCAMMER AT CYBERCRIMINAL, BILANG NA MATAPOS LAGDAAN NI PBBM ANG SIM CARD REGISTRATION LAW
Makatutulong ang pagsasabatas ng SIM Card Registration Act o Republic Act 11934 para mapigilan na ang panloloko at modus ng mga cyber criminals at online scammers.
Ito ang naging reaksiyon ni House Speaker Martin Romualdez matapos niya at ilan pang mga solon masaksihan ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. para maging ganap na batas ang SIM Card Registration Act.
Pinangunahan ni Romualdez ang contingent ng Kamara sa signing ceremony na ginanap sa Malakanyang para sa kauna-unahang panukala na naisabatas ng Marcos administration.
Ayon kay Romualdez, ang pagsasabatas ni Pangulong Marcos sa SIM Card Registation Act ay patunay ng pagkilala ng kanyang administrasyon para maproteksiyunan ang mga Filipino consumer laban sa cybercriminals at online scammers.
Si Romualdez ang principal author ng House Bill 14 katuwang sina Congressman Sandro Marcos at Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Partylist.
Sa ilalim ng bagong batas, obligadong ipa-rehistro ang prepaid SIM Card bago ito ma-activate ng Public Telecommunication Entity o PTE.
Ire-require din sa mga existing SIM subscribers na magpa-rehistro sa kanilang PTE, 180-days mula nang maging epektibo ang batas.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home