Huwebes, Oktubre 20, 2022

MONEY TRANSFER NG GUNMAN SA PAGPATAY KAY PARCY LAPID, PUWEDENG GAMITIN PARA MATUKOY ANG MASTERMIND SA PAGPATAY

Hindi pa lutas ang  kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa, mas kilala sa tawag na Percy Lapid hanggat hindi nahuhuli ang mastermind sa krimen.


Hinikayat ni House Minority Leader Marcelino Libanan  ang PNP na gawin ang lahat para maaresto at mapanagot sa batas ang utak sa pamamamaslang.


Una nang itinuro ng sumukong “self –confessed gunman” na si Joel Escorial na anim sila na kinontrata sa pagpatay kay Lapid at binayaran ng P 550-thousand pesos ng mastermind.


Sa kaniyang testimonya sa mga awtoridad, sinabi ni Escorial  na ang ‘order to kill’ laban kay Lapid ay nanggaling umano mula sa isang ‘middleman ‘ sa New Bilibid Prison.


Igniit ni Libanan sa PNP na imbestigahan ang ‘money transfer’ kay Escorial at sa iba pang mga suspect para matukoy at maaresto ang mastermind.


umaabot na sa P6.5 million pesos ang reward na inialok sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa likod ng pagpatay kay Lapid.


kabilang dito P5-million pesos na inihayag ni House Speaker Martin Romualdez mula sa ambag ng ilang kongresista.

ThinkExist.com Quotes