Huwebes, Oktubre 20, 2022

TULONG NG ESTADOS UNIDOS PARA SA PAGTUGON SA PANDEMYA, PINASALAMATAN NI SPEAKER ROMUALDEZ

Ipinarating ni House Speaker Martin Romualdez ang pasasalamat ng Pilipinas sa tulong ng Amerika sa Covid-29 pandemic response.


Ipinaabot ito ni Romualdez sa kanyang pulong kay Assistant Secretary for East Asian and Pacific Affairs Daniel KRITENBRINK sa kanilang meeting sa Washington DC.


Sa panig naman anya ng Kamara, tiniyak ni Romualdez kay Kritenbrink na mananatiling committed ang Kongreso para suportahan ang mga panukala na lalo pang magpapatatag ng ugnayan ng Pilipinas at Amerika.


Kabilang anya dito ang larangan ng supply chain, health and security, environment, energy security, climate change at iba pa.


Layunin din ng meeting ni Romualdez kay Kritenbrink na mapalakas at mapalawak pa ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika sa bilateral initiatives lalo na sa lanrangan ng economic cooperation.

ThinkExist.com Quotes