Lunes, Abril 03, 2017

Hindi pa tapos ang laban! Maralita at mamamayan, magkaisa!' - Kabataan Partylist

Inanunsyo ni Kabataan Partylist Rep Sarah Elago na hindi pa tapos ang laban ng maralitang lunsod kasunod ng anunsyo ng National Housing Authority (NHA) na ipoproseso na nila ang aplikasyon ng mga umokupa sa mga nakatiwangwang na housing units ng NHA sa Bulacan.

Sinabi ni Elago na ito ay isang hakbang umano tungo sa tagumpay at pagpupugay sa KADAMAY at sa lahat ng maralitang lumalaban. Patunay umano ito sa lakas ng sama-samang pagkilos ng mamamayang nagkakaisa.

Ngunit hindi pa umano tapos ang laban hangga’t hindi pa napapasakanila nang tuluyan ang mga bahay, at hangga’t ang milyong-milyong maralita sa bansa ay wala pang sariling bahay, tuloy pa rind daw ang laban.

Noong Lunes, ika-27 ng Marso, nagkaroon ng diyalogo sa pagitan ng NHA at KADAMAY, kasama ang ilang kinatawan mula sa Makabayan bloc at sa ginawang press conference ng Makabayan matapos ang diyalogo, inanunsyo nila na ang ilan sa mga napagkasunduan ng dalawang panig: (1) imbes na eviction ay magkakaroon na ng on-site validation at processing ng applicant para sa housing; (2) magkakaroon ng continuous processing at profiling on-site simula April 3 para sa mga miyembro ng KADAMAY at para naman sa 171 na nakapirma na sa housing information form, ipoproseso na ito kaagad; at (3) ipupull-out na ang lahat ng pulis at militar para maiwasan ang anumang harassment.

Ikinalulugod man umano nila ang magandang balitang ito, ito’y isang hakbang pasulong pa lamang kung kaya’t kailangang mas patatagin pa umano nila ang kanilang hanay at ituloy ang laban, laluna na sa anumang porma ng panloloko at panggigipit at hindi daw sila dapat maging kampante.
ThinkExist.com Quotes