Lunes, Abril 03, 2017

Nautical Highway at Lent travel safety tinalakay sa Kamara

Bagamat nasa congressional recess ang Kamara, ang House committee on transportation na pinamunuan ni Catanduanes Rep Cesar Sarmiento, ay nagdaos ng sesyon noong a-biente nuebe ng Marso upang iulat ang naging outcome ng 11-day Western-Eastern Nautical Highway Expidition na isinagawa noong 17 hanggang 27 ng Marso ng kasalukuyang taon.

Pinag-aralan din ng komite ang mga plano ng mga concerned agency at mga stakeholders sa paghahanda ng paparating na Holy Week, kasama na rin ang kanilang contingency measures para sa mgha inaasahang traffic congestion.

Ang mga measure na ito ay upang maseguro ang convenience, safety at security ng riding public at ang pagpapalawig at pagpapalago ng local tourism.

Sa paumpisa ng hearing, pinasalamatan ni Sarmiento si House Speaker Pantaleon Alvarez at ang House leadership sa paggawa ng kauna-unahang Naval Highway, Roads and Ports Inspection na naging isang reality.

Ayon kay Sarmiento, ang suporta nina Speaker Alvarez at Majority Leader Rodolfo Farinas ay mahalaga para maging worthwhile endeavor at isang reality ang kanilang ginawa.

Ang kanilang isinagawang Highway Inspection, ayon pa kay Sarmiento, ay makasaysayan dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang buong liderato ng Kamara ay nag-inspeksiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Pinasalamatan din ni Sarmiento ang iilang mga chairman ng mga komite na sumali sa transportation panel at iilang ding mga legislator na kasama sa mga roll-on, roll-off (RORO) inspeksiyon.


May iilan ding mga sumama na galing sa iilang mga ahensiyang pamahalaan at mga stakeholders.

Ang mga lawmaker ay sumali sa 11-day caravan sa iilang mga parte ng Luzon, Visayas at Mindanao upang mag-inspectng nautical highway, mga kalsada, mga tulay, at mga tourist distination.
ThinkExist.com Quotes