Huwebes, Setyembre 15, 2022

ESPESYAL NA KOMITE SA WEST PHILIPPINE SEA MAGBABALANGKAS NG LEHISLASYON NA SUMUSUPORTA SA MGA INISYATIBA NG PAMAHALAAN SA PAGTUGON SA MGA SENSITIBONG USAPIN HINGGIL SA WEST PHILIPPINE SEA

Idinaos ng Espesyal na Komite ng West Philippine Sea sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Rep. Neptali Gonzales II (Lone District, Mandaluyong City), ang kanilang pagpupulong sa pag-oorganisa ngayong Huwebes, at pinagtibay ang kanilang Internal Rules of Procedure. Kaugnay nito, pinasalamatan ni Gonzales ang liderato ng Kapulungan sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at ang ika-19 na Kongreso sa paghirang sa kanya bilang Chairperson ng lupon. 


“I welcome the challenge and responsibilities that come with this position. Likewise, I am very eager to work closely with you in crafting policies and espousing other initiatives and courses of legislative action relevant to our committee’s jurisdiction,” ani Gonzales. 


Ayon sa kanya, marami na ngayong usapin sa West Philippine Sea, na may epekto sa politikal, seguridad, kalikasan, kabilang na ang sektor ng enerhiya ng bansa. 


“Our role in this committee and the House, as a whole, for that matter is to craft legal legislation that will support government initiatives in handling sensitive matters and to perform as well, vital oversight functions in ensuring that all initiatives, negotiations, and agreements proposed or would be entered into will advance our national interest and protect our people,” aniya. 


Kayat sa buong ika-19 na Kongreso, sinabi ni Gonzales na ang mga mambabatas ay makikipag-ugnayan mula sa iba’t ibang ahensya, partikular na ang mga miyembro ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS), upang ang mga kinatawan ay nalalaman ang mga usapin at makatutulong sa kanila na magabayan ang realidad sa pulitika ng rehiyon. 


Samantala, sinabi ni Gonzales na hiniling niya sa National Task Force on the West Philippine Sea na bigyan ang Komite ng briefing sa mga usaping may kaugnayan sa WPS. 


Subalit nasa opisyal na biyahe si National Security Adviser and NTF-WPS Chairperson, Honorable Prof. Clarita Carlos, ngayong linggo. 


Sinabi ni Gonzales na nagpadala si Carlos ng kahilingan na pansamantalang ipagpaliban ang task force briefing sa Komite, upang siya mismo ang personal na makadalo rito. 


“We have acceded (to) her request and we will hold another meeting for that purpose after the budget deliberation and perhaps when we resume session sometime in November,” ani Gonzales. 


Matapos na pagtibayin ng Komite ang Internal Rules, ay nag briefing ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs sa isang executive session, sa mahalagang kaganapan sa usapin ng West Philippine Sea.

ThinkExist.com Quotes