Huwebes, Setyembre 15, 2022

PONDONG INILAAN PARA SA MODERNIZATION NG AFP PARA SA 2023, PAMBAYAD LAMANG SA MULTI-YEAR OBLIGATIONS NG AHENSIYA

Inamin ni DND OIC Senior Usec. Jose Faustino Jr na ang pondong inilaan para sa modernization program ng AFP sa susunod na taon ay pambayad lamang ng multi-year obligations ng ahensya.


Sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program mayroong kulang P40 billion na budget ang AFP Modernization Program.


Ngunit ayon sa opisyal, ang halagang ito, nakalaan na pambayad sa multi year contacts ng nauna nang biniling mga kagamitan.


Bunsod nito, kung hindi aniya magbabago ang “trend”, aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong taon, bago muli makabili ng bagong kagamitan ang sandatahang lakas.


“Ang nakalaang budget for modernization program is a round 40 billion and sa aming presentasyon kanina yung 40 billion na modernization budget namin for 2023 ay pambayad po lamang sa ating mga multi-year and oblications. Yung nakalinya na po dito ynug ating babyaaran sa susunod na taon and kung mananatili po itong trend na ito sa aming pagaaral ay sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon ay wala po tayong mabibili na bagong kagamitan dahil itong budget na nakalaan para sa modernization ay pambayad sa ating multi year obligation.” paliwanag ni Faustino.


P19 billion naman sa modernization program ay para sa Philippine Navy pambayan ng mga biniling

gun boats, corvettes o maliliit na warships, anti-ship missile system, at off-shore patrol vessels. 


Magkagayonman, aminado si RAdm Cesar Bernard Valencia ng Philippine Navy ha hindi pa rin ito sasapat upang mabantayan ang kabuuan ng baybayin at katubigan ng bansa.


“Considering the vast waters that we have, it ay not be enough to fully guard out entire archipelago…We are trying to guard as much water we have.” Saad ni Valencia.


Mangangailangan naman aniya ng P75 billion upang ma-jump start ang Horizon 3 ng modernization program lalo at ang Horizon 2 na nasa 20% pa lamang na nakumpleto ay magtatapos na ngayong taon.

ThinkExist.com Quotes