Huwebes, Setyembre 15, 2022

MGA POSISYONG BAKANTE SA CHR, IPINANAWAGANG SA KAMARA NA PUNUAN NA

commission on human rights… nanawagan sa malacanang na tugunan ang bakanteng commission en-banc.


nanawagan ang Commission on Human Rights sa malacanang  na tugunan ang bakanteng commission-en banc.

 

Sa ngayon bakante ang lahat ng posisyon ng commissioner at chairman nito  dahil nag expire na ang kanilang termino nitong nakaraang mayo 2022.

 

Ito ang inihayag CHR executive director Jacqueline de Guia sa harap ng house committee on appropriations sa pagdinig sa kanilang panukalang budget para sa fiscal year 2023.

 

Umaasa sila na maglalabas ang executive order o presidential decree ang palasyo na magbibigay diin sa proceso ng transparent, open and broad consultative participation sa paraan ng pagpili ng mga commissioner.

 

Ang mga miembro ng commission on human rights ay itatalaga ni pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na may terminong pitong taon.


Sa ngayon nagsisilbing officer-in-charge ng chr  si de guia.

ThinkExist.com Quotes