Miyerkules, Setyembre 14, 2022

MABABANG PERFORMANCE NG MGA ESTUDYANTE SA ASIGNATURA SA MATH, SCIENCE AT READING, INAMIN NI VP AT DEPED SEC SARA DUTERTE

Aminado si Vice president at DEPED Sec. Sara Duterte na mababa nag performance ng ating mga mag aaral pagdating sa mga asignatura na math, science at reading. 


Ayon kay VP Sara batay sa ilang international educational assessment organizations, nahuhuli ang mga Pilipinong mag-aaral sa naturang mga subject.


tinukoy nito ang TIMSS 2019 report kung saan 81 percent ng grade 4 students sa bansa ang hirap sa pag-sagot ng simpleng math operations, word problems at hirap din sa pag-intindi ng science concepts.


sa SEA-PLM 2019 naman, lumalabas na 90% ng grade 5 students natin ang may mababang reading skills at 83% naman sa math skills.


ang 2018 PISA report naman, inilahad na 81% ng grade 9 students ang nagkakaproblema sa basic math problems, at pag-intindi sa  moderate length texts habang 78% sa kanila ang hirap sa pagtukoy at pagpapaliwanag ng scientific phenomenon.


Binigyang diin naman nito na hindi dapat maging balat sibuyas sa pagtugon sa naturang problema. 


Hinimok din ng bise-presidente ang mga mambabatas na tumulong upang ma-reverse o mabago ang naturang isyu. 


“the results of 2019 TIMSS, 2019 SEA-PLM and 2018, PISA, confirm that we have huge issues as far as quality of education. And we will confront these head on. This is not the time to be onioned skinned. This is the time to address the bottom line. Your honors, with your help we can reverse this poor performance…This is our core issue and with your help we will focus on addressing this within the term of president (Ferdinand) marcos (jr.)” saad ni Duterte.


##

ThinkExist.com Quotes