PANUKALANG NAGBABAWAL SA GAME FIXING, APRUBADO NG KOMITE; MGA RESOLUSYON NA NAGBIBIGAY PAPURI SA MGA ATLETA NA NAGWAGI SA MGA PANDAIGDIGANG KUMPETISYON, PINAGTIBAY
Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Sports at Youth Development ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Isabela Rep. Faustino Michael Dy III, ang House Bills 821 at 4513 o ang "Anti Game-fixing Act," na naglalayong gawing krimen ang game fixing at magbigay ng mas mahigpit na parusa. Bawas-puntos, sabwatan sa laro, pagtulong sa kalaban o pag-uudyok sa sinumang tao na gumawa ng pandaraya ng laro at kumita mula dito ay ituturing na mga paraan ng game-fixing sa ilalim ng panukala.
Saklaw din sa mga panukala ang pandaraya sa laro ng mga sindikato, kung gagawin ng isang grupo ng tatlo o higit pang mga tao na nagsasabwatan sa isa't isa.
Sinabi ni Dy na ang HB 4513 ay parehong kopya ng panukalang batas na inaprubahan sa Ikatlo at Huling Pagbasa ng lumipas na ika-18 Kongreso. Inihayag naman sa Komite ang prayoridad ng National Youth Commission (NYC), Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Sports Commission (PSC), at Philippine Paralympic Committee (PPC) o Philippine Sports Association for the Differently Abled Athletes (PHILSPADA) ang kanilang mga prayoridad ng kanilang at mga nais isulong na mga panukalang batas.
Sinabi ni NYC Assistant Secretary Lexee Dayanghirang na nilalayon ng kanilang ahensya ang mga polisiya sa lehislatura, tulad ng pagpapalakas ng pangangalaga sa mga kabataan at civic education sa kurikula ng K-12 basic education, pagtugon sa diskriminasyon sa mga institusyong pang-edukasyon, paglahok ng kabataan sa disaster reduction at risk management, pagtugon sa teenage pregnancy, partisipasyon ng kabataan sa aksyon sa klima, ang institusyonalisasyon ng Department of Youth, at mandatoryong ROTC para sa mga tertiary students.
Samantala, sinabi ni PSC Chairman Jose Emmanuel Eala na ang kanilang programa sa kaunlaran ay nakatuon sa tatlong prayoridad na paksa: grassroots, pangangalaga sa mga atleta at sapat na pondo mula sa pamahalaan.
Para kina PPC President Michael Barredo, sinabi niya na ipagpapatuloy nila ang layunin ng International Paralympic Committee (IPC), na lumikha ng inklusibong mundo sa pamamagitan ng parasports. Inaprubahan din ng Komite ang ilang resolusyon na pumupuri at bumabati sa mga lokal na atleta na nagwagi sa iba't ibang mga pandaidigang kumpetisyon sa palakasan. Inaprubahan din nila ang mga kaukulang Ulat ng Komite at inatasan ang Committee Secretariat na ihanda ang mga kapalit na resolusyon.
Ito ay 1) HRs 48, 50, 51, 53, 71, 72, 81, 106, 136, 186, 234, at 267, na pumupuri sa "Filipinas," ang Philippine Women's Football Team sa pagkapanalo ng 2022 ASEAN Football Women's Championship Title noong ika-17 ng Hulyo 2022, at para sa pagiging kwalipikado sa 2023 Women's FIFA Cup sa Australia at New Zealand; 2) HR 67, na binabati ang Philippine Taekwondo National Team para sa kanilang mga tagumpay sa 2022 Chuncheon Korea Open International Taekwondo Championships; 3) HRs 68, 70, 102, 104, 107, 137 at 212, na bumabati kina Vanessa Palomar Sarno, Prince Keil Delos Santos at Angeline Colonia para sa maraming medalya sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan; 4) HRs 69 at 248, na pumupuri kay Juna Tsukii sa pagwawagi ng gintong medalya sa women's kumite 50-kilogram event sa 2022 World Games sa Birmingham, Alabama, 5) HRs 135 at 154 -, na binabati ang mga youth e-sports athletes sa ilalim ng Team SIBOL, para sa mga nagwagi ng gintong medalya sa 31st SEA Games 2022 sa Hanoi, Vietnam; at 6) HRs 188, 255, 302 at 322, na pumupuri at bumabati sa mga Filipino para-athletes sa kanilang pagkapanalo sa 11th ASEAN Para Games na ginanap sa Indonesia.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home