PAGLIKHA NG MGA KARAGDAGANG KORTE NG PAGLILITIS, INAPRUBAHAN NG KOMITE
Nagkaisang inaprubahan ngayon Lunes ng Komite sa Katarungan sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Juliet Marie de Leon Ferrer batay sa mga susog, ang mga panukala sa Kapulungan na naglalayong lumikha ng mga karagdagang sangay ng Regional Trial Court, Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court, Drug Court, Family Court, at Municipal Trial Court sa ilang bahagi ng bansa. Ang mga inaprubahan ay ang House Bills 56, 115, 146, 244, 325, 413, 465, 477, 1597, 1717 at 3272.
Ipinahayag nina SAGIP Rep. Rodante Marcoleta at Batangas Rep. Gerville Luistro sa pagdinig, ang pagpapalakas ng mga panukala para sa mabilis na disposisyon ng kaso, tulad ng Judicial Dispute Resolution (JDR), mga pag-aayos upang magkasundo, pagbasa ng mga hatol, at buod ng hatol, at iba pa. Samantala, dumalo rin sa online na pagdinig si Ombudsman Samuel Martires.
Binalangkas niya ang mga prayoridad sa lehislasyon na inaasahan ng Tanggapan ng Ombudsman na amyendahan o isabatas ng Kapulungan. Kabilang dito ang: 1) pag-amyenda o pagpapawalang-bisa sa Republic Act 11032, na nagtatakda sa paglikha ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Sinabi ni Martires sa Komite na ang nasabing batas ay isang batas na labag sa Konstitusyon na nagtanggal sa kapangyarihan ng Ombudsman, at, 2) pag-amyenda sa Republic Act 10660, o ang batas na magpapalakas sa operasyon at istraktura ng organisasyon ng Sandiganbayan.
Ayon kay Ombudsman Martires, inaatas ng batas na maisampa sa ibang korte ang mga kaso laban sa matataas o mababang ranggong opisyal, kung saan hindi naninirahan ang opisyal.
"All I appeal to Congress now is to trust the judges. Let the jurisdiction be assumed by the Regional Trial Court where the official is," aniya.
Dumalo rin sa pagpupulong si Supreme Court Associate Justice Midas Marquez.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home