Huwebes, Setyembre 15, 2022

PAGPAPAIGTING NG PATRIYOTISMO AT PAGIGING MABUTING MAMAMAYAN ANG LALAMANIN NG ROTC NG PAMAHALAAN

Nilinaw ni DND Usec. Ignacio Madriaga na ang pagpapaigting sa patriotism at pagiging mabuting mamamayan ang lalamanin ng isinusulong na ROTC ng pamahalaan.


Pagbabahagi nito sa mga mambabatas, batay sa napag-usapan nila ng DEPED ang program of instruction sa illaim ng bagong ROTC ay tututok sa citizenship at hindi militarisasyon.


“Yung pong curriculum po na prinopropose natin sa bagong rotc at saka ng piangusapan po naming ng deped ay yung pong para sa grade 11 and 12 ang intensyon po nito na bigyang kaalaman ang ating mga kabataan tungkol po sa patriotism sa pagiging mabuting mamamayan. Hindi po ito yung tipikal na martsa-martsa po agad o tinatawagan nating military centric.”


Bahagi nito ang pagtutuyo ng disaster resilience, drug awareness maging pagtalima sa traffic rules.


Puna naman ni KABATAAN Party-list Rep. Raoul Manuel, mayroon nang mga asignatura at rpograma kung saan maaaring ituro ang mga paksang ito kaya’t hindi na kailangan ng ROTC.


Tugon naman ni Madriaga, mas mainam na maraming pagkukunan ng kaalaman ang mga kabataan tulad na lamang sa pagtugon sa sakuna.


“Sangayon po ako sa sinabi ni Rep. Manuel na mayroong nagtuturo naman po ng disaster resilience sa ibang institution but palagay po namin mas maganda po na mas maraming nagtuturo ng disaster resilience ay mas maganda po sa ating bayan. Mas maraming bata po ang nakaka-alam yung mga uri ng sakuna at papaano po magrerespond.”


Ang tanging paksa lamang umano na may kinalaman sa military sa ROTC ay ang pagbisita sa mga military historical sites kung saan maaari ring makausap ng mga kabataan ang ating mga war veterans.


Sa paraang ito maipapabatid aniya sa mga kabataan na mayroon silang malaking papel para sa pangangalaga ng ating bayan tulad ng pagtugon sa sakuna o panahon ng digmaan.


“Ang aspeto lang po ng militar doon po sa pinopropose nating program of instruction ay aspeto lang po ng military history natin…at ang highlight po nitong military history aspect na ito ay yung mga pagpasyal sa ating mga military historical sites at ang kakausap po sa kanila ay yung mga beterano natin na lumaban noong panahon na sila ay 17, 18 anyos para malaman po nun gating mga kabataan ngayon na sila ay may papel na malaking papel upang pangalagaan ang ating bayan sa anomang pangangailangan, sakuna man po ito o panahon ng digmaan.” Ani Madriaga.

ThinkExist.com Quotes