PAGTALAKAY SA P4.72-B PANUKALANG BADYET NG TANGGAPAN NG OMBUDSMAN, MABILIS NA TINAPOS NG MGA MAMBABATAS
Pagkatapos lamang ng 12 minuto ng pagdinig, mabilis na tinapos ngayong Huwebes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co, ang pagdinig sa panukalang P4.72-bilyong badyet ng Tanggapan ng Ombudsman para sa 2023, dahil na rin ng paggalang sa fiscal autonomy ng ahensya sa ilalim ng 1987 Saligang Batas.
“We respect that autonomy of the Ombudsman. And therefore, on the part of the Minority, and if the Majority would allow, I move to terminate the budget briefing of the Office of the Ombudsman,” ani Minority Leader Marcelino Libanan.
Sinang-ayunan ni Manila Rep. Bienvenido Abante, isponsor ng badyet ng Tanggapan ng Ombudsman, ang mosyon.
Sa kanyang presentasyon, sinabi ni Assistant Ombudsman Weomark Ryan Layson na ang inirerekomendang antas ng badyet na 4.781-bilyon ng Department of Budget and Management, para sa Office of the Ombudsman para sa taon 2023 ay nasa parehong antas, tulad sa kasalukuyang taon dahil ito ay alinsunod sa Konstitusyon at nang enabling law, RA 6770 sa fiscal autonomy, na ang mga paglalaan sa Office of the Ombudsman ay hindi maaaring bawasan ng mas mababa sa halagang inilaan mula sa nakaraang taon.
Sinabi ni Layson na ito ay kumakatawan sa 0.0090 porsyento ng national expenditure program na P5.268-trillion.
Sinabi ni Abante na sa P4.781-bilyon panukalang badyet, P3.15-bilyon ang ilalaan sa General Administration and Support; P51-milyon sa Support to Operations; at P1.51-bilyon sa Operations.
Sa P1.51-bilyon para sa Operations, P758.5-milyon ang ilalaan sa Anti-Corruption Investigation Program; P574.9-milyon para sa Anti-Corruption Enforcement Program; P96.9-milyon para sa Corruption Prevention Program; at P83.3 milyon para sa Public Assistance Program. Dumalo sa pagdinig si Ombudsman Samuel Martires sa pamamagitan ng Zoom.
Samantala, sinabi ni Co na ang Office of the Ombudsman ay may tungkulin na tiyakin ang pananagutan sa gobyerno, sa pamamagitan ng pag-iimbestiga sa mga reklamo at kaso laban sa mga opisyal nito.
Sinabi ni Co na minsang sinabi ng yumaong Pangulong Fidel Ramos, “For every rotten egg in the basket of government, there are many more who are honest, competent, and dedicated.”
Dagdag pa ni Co “Thanks to the Office of the Ombudsman, the honest, competent, and dedicated in the government are able to perform their duties without fear of retribution, harassment, and persecution”.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home