Miyerkules, Setyembre 14, 2022

PAGLIKHA NG DEPARTMENT OF WATER RESOURCES MANAGEMENT, PINAMAMADALI

Dapat madaliin ang paglikha sa Department of Water Resources Management o DWRM na pinaniniwalaang makatutulong para maiwasan ang tinatayang $124 billion dollars na pinsala o pagkalugi ng Pilipinas sa susunod na mga taon.


Ayon kay Congressman Wilbert Lee ng Agri Partylist, malaki ang mawawala sa Pilipinas dahil sa water-related risks, gaya ng paghagupit ng malalakas na bagyo, matinding pagbaha at mahabang panahon ng tagtuyot.


Sabi ni Lee, ang pinsala o pagkalugi ay katumbas ng 0.7 percent na average annual gross domestic product o GDP loss, dahil  batay sa report ng Asian Disaster Reduction Center, dalawampung mga bagyo ang tumatama sa bansa kada taon.


Sa ngayon,  32 goverrnment agencies ang namamahala sa water resources ng bansa, pero sa kabila nito, mababa ang ranggo ng Pilipinas sa  water governance ranking ng Asian Development Bank.


Sa House Bill No. 2880  ni Lee, ang itatatag na DWRM ang magiging responsable sa pag-develop at pagpapatupad ng comprehensive water usage and conservation program ng bansa.


Kabilang din dito ang management ng water resources kabilang ang irrigation, sewage and sanitation.

ThinkExist.com Quotes