Martes, Abril 04, 2017

Karapatan ng public official sa privacy versus diskusyon ng publiko hinggil sa public interest, dapat pag-aralang maigi

Hangga’t hindi mabibigyan ng merito ang pribadong buhay ng mga public official na hahantong sa makabuluhang public discourse, ang mga public official ay dapat entitled din ng kanilang right to privacy.

Ito ang pinahayag ni Deputy Minority Leader at Kabayan Rep Harry Roque.

Sinabi ni Roque na habang naintindihan niya na ang buhay ng mga public official ay nahuhulog sa panaliksik ng publiko sapagkat ang public office ay isang public trust at ang access ay nararapat lamang na limitado sa aspeto ng kanilang mga buhay na nakaka-apekto sa kanilang mga official function bilang mga government officials.

Tinukoy ni Roque, isang eksperto sa International Human Rights Law, ang kaso ng von Hannover versus Germany kung saan matagumpay na iniabla ni Princess Caroline ng Hannover ang German courts dahil sa paglabag ng kanyang karapatan sa isang private life sa ilalim ng article 8 ng European Convention on Human Rights dahil bigo sila na bigyan ng sapat na proteksiyon sa publication ng mga litrato na kinuha ng mga paparazzi na walang pahintulot o kaalaman ng Princesa,

Ayon pa sa mambabatas, sa desisyon umano ng European Court of Human Rights na ang decisive factor sa balancing Article 8 o ang right to privacy at Article 10 o ang freedom of expression naman against lay sa contribution na ang mga photograph at mga article ay nagawa sa isang debate of general interest.

Sa desisiyon naman ng Strasbourg Court, dagdag pa ni Roque, sinabi naman nito na ikinonsidera nito na ang pundamental na pagkilala ay kailangang magawa sa pagitan ng reporting facts – kahit kontrobersiyal ito – at capable na mag-contribute sa isang debate sa isang democratic society na may kaugnayan sa pribadong buhay ng isang indibidwal, kagaya sa kasong ito, na hindi nag-exercise ng mga official function.

Bagamat ang American jurisprudence naman daw ang naging pangunahing basehan para sa privacy laws dito sa Pilipinas, marami pang mga bansa ang nag-a-adopt ng European standards.

Ayon pa sa kanya, kung ang pribado o buhay pampamilya ng mga politiko ay wala namang kaugnayan sa sa kanilang official function bilang mga government official, ang aspeto ng kanilang mga buhay ay dapat maprotektahan sa publiko at ito ay mag-a-apply sa lahat ng mga public officials – mula sa pangulo at vice-president hanggang sa pinaka-mababang local official.

Kahit umano may girlfriend ang Presidente o may boyfriend ang Pangalawang Pangulo, hindi dahilan daw kung hindi naman ito makaka-apekto sa kanilang pagdi-discharge ng kanilang mga duties bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng ating Republika.

Idinagdag pa Roque na ang pagsubok ay palaging nasa kung papaano nakaka-apekto ang private life ng isang public official sap ag-discharge ng kanyang public function at kung qang pribadong buhay ng isang public official ay illicitly magbibenipisyo galing sa kanyang public office, ang right to privacy ay magiging mahirap na i-sustain sa kasong ito.

Nilinaw ni Roque na ito umano ang nangyari sa kaso ni Senator Leila de Lima dahil ang kanyang relasyon kay Ronnie Dayan na naging material sa drug-related charges laban sa kanya.

Ang relasyon umano ni Senator de Lima kay Dayan ay ang nasa gitna ng kanyang koneksiyon sa mga drug lords sa Bilibid kaya ang publiko ay may karapatang malaman ang kanilang relasyon.

Sinabi niya na ang kaso ng mga mistress ng mga public officials ay maaaring mangangailangan pa na timbangin laban sa constitutional at legal protections na ibinigay sa pamilya bilang isang basic social unit.

Mayroon din tayo umanong RA06713 o ang Code of Conduct for Public Employees na nagpapataw ng isang mataas na standard of ethical conduct para sa mga public officers.
ThinkExist.com Quotes