Komposisyon ng NCCA, reribisahin
Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa o sa second reading ang panukalang
magdadagdag ng isang national artist bilang miyembro ng National Commission for
Culture and the Arts o NCCA bago nag-recess ang Kongreso ng Pilipinas.
Ang HB00735 na iniakda ni Sorsogon Rep Evelina Escudero, layunin nito na
maseguro ang pag-unlad ng palisiya, mga plano at programa ng NCCA, particular na
rito ang Sub-Commission of Arts na may atas na magpalawig ng intellect,
creativity at skill ng isang national artist na nabigyan ng pagkilala sa larangan
ng Arts.
Gayundin, ang panukala ay may layunin ding magbigay ng pagkilala sa mga
distinct contribution at mga importanting role ng isang national artist sa
pag-preserve at pag-promote ng Philippine arts and culture.
Sinabi ni Escudero na bilang isang miyembro ng NCCA, ang taong bibigyan
ng responsibilidad na may rangko at titulo na National Artist ay magkakaroon ng
pagkakataon na mabigyan ng nararapat na mindset sa pagpo-promote ng arts at
culture.
Dapat ang isang national artist ay isang Filipino citizen na nabigyan na
ng titulong national artist bilang pagkilala sa kanyang mga significant
contribution sa pagpapaunlad ng arts and letter ng bansa.
Ang panukala ay may layuning amiyendahan ang section 9 ng RA07356 o ang
kilala sa katawatgang Law Creating the National Commission for Culture and
Arts sa pamamagitan ng pagsali bilang isang miyembro ng NCCA ng isang national
artist na siya namang ia-appoint ng Pangulo ng Pilipinas base na rin sa
rekomendasyon ng ng iba pang mga miyembro ng Order of National Artists na
binubuo ng mga indibidwal na nabigyan na rin ng National Artist award.
Sa kasalukuyan, ang NCCA ay binubuo ng labinglimang mga miyembro base na
rin sa probisyon ng RA07356 at ang membership o inclusion ng isang national
artist hindi nasama sa mandato ng kasalukuyang batas.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home