Biyernes, Oktubre 21, 2022

OPERASYON NG POGO SA BANSA, DAPAT MAPAGPASYAHAN NA KUNG I-REGULATE PARA MAPABUTI NA ITO

Inihayag ito ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles matapos ang pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Labor and Employment ukol sa labor and employment policy ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO industry sa harap ng panawagan na ihinto na ang operasyon nito sa bansa.


Sa pagdinig ay sinabi ng Department of Finance na kapag ipinagbawal ang POGO ay aabot sa P64.61-Billion ang mawawalang kontribusyon nito sa ekonomiya ng bansa na kumakatawan sa 0.3 precent ng ating gross domestic product.


Pinahayag naman ng National Economic and Development Authority na kung magpapatuloy ang operasyon ng POGO sa bansa ay 20,000 ang inaasahang malilikha nitong dagdag na trabaho mula sa kasalukuyang 16,736 na mga Pilipino na nagtatrabaho na dito.


Para kay Nograles, hindi maitatanggi ang ambag sa ekonomiya ng POGO industry.


Ngunit idiniin ni Nograles na dapat ikonsidera din ang epekto ng POGO sa ating lipunan sa kabuuan lalo't iniuugnay ito sa iba't ibang krimen tulad ng kidnapping, murder, human trafficking, prostitution at money laundering.

ThinkExist.com Quotes