Martes, Abril 04, 2017

Komposisyon ng NCCA, reribisahin

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa o sa second reading ang panukalang magdadagdag ng isang national artist bilang miyembro ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA bago nag-recess ang Kongreso ng Pilipinas.

Ang HB00735 na iniakda ni Sorsogon Rep Evelina Escudero, layunin nito na maseguro ang pag-unlad ng palisiya, mga plano at programa ng NCCA, particular na rito ang Sub-Commission of Arts na may atas na magpalawig ng intellect, creativity at skill ng isang national artist na nabigyan ng pagkilala sa larangan ng Arts.

Gayundin, ang panukala ay may layunin ding magbigay ng pagkilala sa mga distinct contribution at mga importanting role ng isang national artist sa pag-preserve at pag-promote ng Philippine arts and culture.

Sinabi ni Escudero na bilang isang miyembro ng NCCA, ang taong bibigyan ng responsibilidad na may rangko at titulo na National Artist ay magkakaroon ng pagkakataon na mabigyan ng nararapat na mindset sa pagpo-promote ng arts at culture.

Dapat ang isang national artist ay isang Filipino citizen na nabigyan na ng titulong national artist bilang pagkilala sa kanyang mga significant contribution sa pagpapaunlad ng arts and letter ng bansa.

Ang panukala ay may layuning amiyendahan ang section 9 ng RA07356 o ang kilala sa katawatgang Law Creating the National Commission for Culture and Arts sa pamamagitan ng pagsali bilang isang miyembro ng NCCA ng isang national artist na siya namang ia-appoint ng Pangulo ng Pilipinas base na rin sa rekomendasyon ng ng iba pang mga miyembro ng Order of National Artists na binubuo ng mga indibidwal na nabigyan na rin ng National Artist award.

Sa kasalukuyan, ang NCCA ay binubuo ng labinglimang mga miyembro base na rin sa probisyon ng RA07356 at ang membership o inclusion ng isang national artist hindi nasama sa mandato ng kasalukuyang batas.
ThinkExist.com Quotes