Revised Flag and Heraldic Code, inaprubahan sa Kamara
Inaprubahan
na sa ikalawang pagbasa bago, mag-recess and Kongreso, ang HB05224, ang
panukala na magpapalakas ng mga pamantayan sa maayos na paggamit at pag-display
ng mga national symbols ng bansa, kasama na rito ang watawat ng Pilipinas and
ang tamang pag-awit ng national anthem natin.
Ninanais
ng panukala na i-repeal ang RA08491, ang Flag and Heraldic Code of the
Philippines, base na rin sa pangkasalukuyang na pagbabago sa mga attitude at
mga idiom at layunin nito na imulat sa mga mamamayan ang pagmamahal sa bansa at
ang importansiya ng pagsunod sa mga batayang ekspresyon ng respeto para sa mga
national symbol ng bansa.
Sinabi ni
Cagayan de Oro City Rep Maximo Rodriguez, principal na
may-akda ng panukala na sa kabila ng kapanatilihan ng RA08491, marami pa rin
ang mga Filipino na ayaw magbigay ng respeto sa ating pambansang bandila at
pambansang awit.
Ayon pa Rodriguez, ang RA08491 nag-uutos para sa tuwirang pagrespeto sa
lahat ng pagkakataon ay nararapata na ibigay sa bandila, sa national anthem at
iba pang mga simbolong nasyunal na siyang bubuo sa national ideals at ito
marahil ang pagpapahayag ng mga prinsipyo ng ating sobereniya at national
solidarity.
Ang hindi
pag-respeto sa pambansang awit, dagdag pa ng mambabatas, na siya namang isang paglabag sa batas, ay kalimitang
nangyayari sa loob ng mga sinehan kung saan ang mga manunuod hindi man lamang
tumatayo habang ang national anthem ay tinutugtog.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home