Huwebes, Abril 06, 2017

Revised Flag and Heraldic Code, inaprubahan sa Kamara

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa bago, mag-recess and Kongreso, ang HB05224, ang panukala na magpapalakas ng mga pamantayan sa maayos na paggamit at pag-display ng mga national symbols ng bansa, kasama na rito ang watawat ng Pilipinas and ang tamang pag-awit ng national anthem natin.

Ninanais ng panukala na i-repeal ang RA08491, ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, base na rin sa pangkasalukuyang na pagbabago sa mga attitude at mga idiom at layunin nito na imulat sa mga mamamayan ang pagmamahal sa bansa at ang importansiya ng pagsunod sa mga batayang ekspresyon ng respeto para sa mga national symbol ng bansa.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Rep Maximo Rodriguez, principal na may-akda ng panukala na sa kabila ng kapanatilihan ng RA08491, marami pa rin ang mga Filipino na ayaw magbigay ng respeto sa ating pambansang bandila at pambansang awit.

Ayon pa Rodriguez, ang RA08491 nag-uutos para sa tuwirang pagrespeto sa lahat ng pagkakataon ay nararapata na ibigay sa bandila, sa national anthem at iba pang mga simbolong nasyunal na siyang bubuo sa national ideals at ito marahil ang pagpapahayag ng mga prinsipyo ng ating sobereniya at national solidarity.

 Ang hindi pag-respeto sa pambansang awit, dagdag pa ng mambabatas, na siya namang isang paglabag sa batas, ay kalimitang nangyayari sa loob ng mga sinehan kung saan ang mga manunuod hindi man lamang tumatayo habang ang national anthem ay tinutugtog.

Pagsasaayos ng public land use, isinusulong sa Kamara

Nakatakdang gawaran ng mas malawak na kapangyarihan ng Kamara de Representantes ang ahensya na may kinalaman sa pagsasaayos ng mga gusot sa lupain at naglalayong itatag ang isang national land use policy na naaayon sa pambansang panuntunan at pamantayan matapos na aprubahan ng Mababang Kapulungan sa ikalawang pagbasa ang HB05240.

Ang panukala na iniakda nina Quezon City Rep Jose Christopher Belmonte, Dinagat Rep Kaka Bag-ao, Deputy Speaker at Marikina City Rep Romero Quimbo, CIBAC Partylist Rep Sherwin Tugna, Muntinlupa City Rep Rozzano Rufino Biazon, Ifugao Rep Teddy Baguilat Jr, Cagayan de Oro Rep Maximo Rodriguez Jr, AKBAYAN Partylist Rep Tom Villarin, Negros Oriental Rep Virgilio Lacson, Bulacan Rep Jose Antonio Sy-Alvarado, Negros Oriental Rep Manuel Sagarbarria, 1-PACMAN Partylist Rep Enrico Pineda, Pampanga Reps Juan Pablo Bondoc at Aurelio Gonzales Jr, at Batanes Rep Henedina Abad, ay naglalayong buwagin na ang National Land Use Committee (NLUC) na nasa ilalim ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board at ipapalit dito ang NLUPC.

Ilan sa mahahalagang usapin na isinasaad sa panukala ay upang ilatag ang hangganan ng mga responsibilidad ng mga ahensya ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpa-plano at implementasyon ng mga patakaran sa pangangalaga ng mga lupaing isinailalim sa produksyon, settlement at pagpapaunlad ng imprastraktura at naglalayong itaguyod ang balanseng pag-unlad at tapusin ang pagkasira ng mga lupain sa bansa.

Layunin din ng panukala na kumpletuhin ang mga kasalukuyang cadastral surveys na isinasagawa ng dating ahensya, ang pagpapatatag ng paggamit ng mga lupain sa wastong pamamaraan, pagmamantine at pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran, wastong pamamahala at paggamit ng likas-yaman, wastong pagpaplano para sa maayos na pagtugon sa mga panganib dulot ng klima at panahon at iba’t ibang kalamidad, pangangalaga ng mga pangunahing lupaing pang-agrikultura para sa produksyon ng pagkain, pangangalaga at proteksyon ng pinagkukunan ng malinis na tubig, pangangalaga at pagpapaunlad ng lupain para sa murang pabahay, at ang pagguhit ng mga permanenteng hangganan ng mga kagubatan para sa kaunlaran at pagmamantine ng likas-yaman na nagmumula rito.

Sinseridad ng pamahalaan sa peace talks, suportado ng youth group

Sinalubong na may kagalakan ng Kabataan Partylist ang kalalagda pa lamang na isang agreement ng isang interim joint ceasefire noong Miyerkules sa pagitan ng GRP panel at ng NDFP sa ginanap na fourth round of peace talks na inumpisahan noon ika-3 ng Abril.

Ayon pa sa NDFP, itong Comprehensive Joint Ceasefire Agreement na ito ay inaasahang maging metatag kaysa sa dating mga unilateral ceasefire na isinagawa umpsa noon Agust 2016 hanggang January 2017.

Ang guidelines at ground rules para sa agreement na ito ay: 1) mananatili ang armed units at mga elemento ng bawat party sa mga local community at pagbuo ng mga buffer zones; 2) isang agreement tungkol sa kung ano ang mag-constitute ng prohibited, hostile at provocative acts, at 3) isang ceasefire at verification mechanism na mag-oversee ng implementasyon ng ceasefire at ang pag-handle ng bmga complaint at amga allege violation.

Sinabi ni Kabataan partylist Rep Sarah Elago na marapat lamang unaong maging mapagmatyag lalu na at wala pang ceasefire ang nangyari.

Sa kabila nito, nananawagan si Elago sa mga Filipino youth o sa mga kabataan na aktibo silang mag-participate sa mga peace negotiation.

Idinagdag pa nito na wala naman umanong mawawala sa mga mamamayan kung sila manindigan para sa kanilang mga karapatan.

Martes, Abril 04, 2017

Komposisyon ng NCCA, reribisahin

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa o sa second reading ang panukalang magdadagdag ng isang national artist bilang miyembro ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA bago nag-recess ang Kongreso ng Pilipinas.

Ang HB00735 na iniakda ni Sorsogon Rep Evelina Escudero, layunin nito na maseguro ang pag-unlad ng palisiya, mga plano at programa ng NCCA, particular na rito ang Sub-Commission of Arts na may atas na magpalawig ng intellect, creativity at skill ng isang national artist na nabigyan ng pagkilala sa larangan ng Arts.

Gayundin, ang panukala ay may layunin ding magbigay ng pagkilala sa mga distinct contribution at mga importanting role ng isang national artist sa pag-preserve at pag-promote ng Philippine arts and culture.

Sinabi ni Escudero na bilang isang miyembro ng NCCA, ang taong bibigyan ng responsibilidad na may rangko at titulo na National Artist ay magkakaroon ng pagkakataon na mabigyan ng nararapat na mindset sa pagpo-promote ng arts at culture.

Dapat ang isang national artist ay isang Filipino citizen na nabigyan na ng titulong national artist bilang pagkilala sa kanyang mga significant contribution sa pagpapaunlad ng arts and letter ng bansa.

Ang panukala ay may layuning amiyendahan ang section 9 ng RA07356 o ang kilala sa katawatgang Law Creating the National Commission for Culture and Arts sa pamamagitan ng pagsali bilang isang miyembro ng NCCA ng isang national artist na siya namang ia-appoint ng Pangulo ng Pilipinas base na rin sa rekomendasyon ng ng iba pang mga miyembro ng Order of National Artists na binubuo ng mga indibidwal na nabigyan na rin ng National Artist award.

Sa kasalukuyan, ang NCCA ay binubuo ng labinglimang mga miyembro base na rin sa probisyon ng RA07356 at ang membership o inclusion ng isang national artist hindi nasama sa mandato ng kasalukuyang batas.

Karapatan ng public official sa privacy versus diskusyon ng publiko hinggil sa public interest, dapat pag-aralang maigi

Hangga’t hindi mabibigyan ng merito ang pribadong buhay ng mga public official na hahantong sa makabuluhang public discourse, ang mga public official ay dapat entitled din ng kanilang right to privacy.

Ito ang pinahayag ni Deputy Minority Leader at Kabayan Rep Harry Roque.

Sinabi ni Roque na habang naintindihan niya na ang buhay ng mga public official ay nahuhulog sa panaliksik ng publiko sapagkat ang public office ay isang public trust at ang access ay nararapat lamang na limitado sa aspeto ng kanilang mga buhay na nakaka-apekto sa kanilang mga official function bilang mga government officials.

Tinukoy ni Roque, isang eksperto sa International Human Rights Law, ang kaso ng von Hannover versus Germany kung saan matagumpay na iniabla ni Princess Caroline ng Hannover ang German courts dahil sa paglabag ng kanyang karapatan sa isang private life sa ilalim ng article 8 ng European Convention on Human Rights dahil bigo sila na bigyan ng sapat na proteksiyon sa publication ng mga litrato na kinuha ng mga paparazzi na walang pahintulot o kaalaman ng Princesa,

Ayon pa sa mambabatas, sa desisyon umano ng European Court of Human Rights na ang decisive factor sa balancing Article 8 o ang right to privacy at Article 10 o ang freedom of expression naman against lay sa contribution na ang mga photograph at mga article ay nagawa sa isang debate of general interest.

Sa desisiyon naman ng Strasbourg Court, dagdag pa ni Roque, sinabi naman nito na ikinonsidera nito na ang pundamental na pagkilala ay kailangang magawa sa pagitan ng reporting facts – kahit kontrobersiyal ito – at capable na mag-contribute sa isang debate sa isang democratic society na may kaugnayan sa pribadong buhay ng isang indibidwal, kagaya sa kasong ito, na hindi nag-exercise ng mga official function.

Bagamat ang American jurisprudence naman daw ang naging pangunahing basehan para sa privacy laws dito sa Pilipinas, marami pang mga bansa ang nag-a-adopt ng European standards.

Ayon pa sa kanya, kung ang pribado o buhay pampamilya ng mga politiko ay wala namang kaugnayan sa sa kanilang official function bilang mga government official, ang aspeto ng kanilang mga buhay ay dapat maprotektahan sa publiko at ito ay mag-a-apply sa lahat ng mga public officials – mula sa pangulo at vice-president hanggang sa pinaka-mababang local official.

Kahit umano may girlfriend ang Presidente o may boyfriend ang Pangalawang Pangulo, hindi dahilan daw kung hindi naman ito makaka-apekto sa kanilang pagdi-discharge ng kanilang mga duties bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng ating Republika.

Idinagdag pa Roque na ang pagsubok ay palaging nasa kung papaano nakaka-apekto ang private life ng isang public official sap ag-discharge ng kanyang public function at kung qang pribadong buhay ng isang public official ay illicitly magbibenipisyo galing sa kanyang public office, ang right to privacy ay magiging mahirap na i-sustain sa kasong ito.

Nilinaw ni Roque na ito umano ang nangyari sa kaso ni Senator Leila de Lima dahil ang kanyang relasyon kay Ronnie Dayan na naging material sa drug-related charges laban sa kanya.

Ang relasyon umano ni Senator de Lima kay Dayan ay ang nasa gitna ng kanyang koneksiyon sa mga drug lords sa Bilibid kaya ang publiko ay may karapatang malaman ang kanilang relasyon.

Sinabi niya na ang kaso ng mga mistress ng mga public officials ay maaaring mangangailangan pa na timbangin laban sa constitutional at legal protections na ibinigay sa pamilya bilang isang basic social unit.

Mayroon din tayo umanong RA06713 o ang Code of Conduct for Public Employees na nagpapataw ng isang mataas na standard of ethical conduct para sa mga public officers.

Lunes, Abril 03, 2017

Pahayag Paola Alvarez hinggil sa alingasngas ng Daddy niya at ni Tonyboy

Sinabi ni Paola Alvarez, anak ni House Speaker Pantaleon Alvarez, na siya at sampu ng kanyang pamilya ay na-shock sa mga ibinabatong isyu hinggil sa Speaker na walang katuturan at pambata lamang.

Hindi umano siya makapaniwala kung papaano ang personal na relasyon ay ginamit ng live-in partner ni Rep Tonyboy Floirendo na si Ms Cathy Binag para mai-ikot ang isang simpleng question of facts at ito ay naka-kakilabot umano.

Mas ginusto umano nila na manatiling pribado ang kanilang mga buhay kahit ang kanyang tatay na si Speaker Bebot Alvarez at siya ay mga nasa public service.


Imaasa daw sila na irespeto ito ni Ms Binag at ihinto na niya ang pag-kaladkad sa kanila sa kanyang pibadong buhay.

At gayundin, sila ng kanyang pamilya umano ay nasaktan dahil ang kanilang longstanding at pinakamimithi na pagkakakaibigan nila kay Rep Floirendo ay hahantong lamang sa ganitong pamaraan.

Naniniwala umano siya na maaayos din ang ganitong alingasngas at maharap nila na head-on ang isyu, after all, ang interes ng publiko at ang public service ay ang pinaka-paramount para sila sa buong.

Nautical Highway at Lent travel safety tinalakay sa Kamara

Bagamat nasa congressional recess ang Kamara, ang House committee on transportation na pinamunuan ni Catanduanes Rep Cesar Sarmiento, ay nagdaos ng sesyon noong a-biente nuebe ng Marso upang iulat ang naging outcome ng 11-day Western-Eastern Nautical Highway Expidition na isinagawa noong 17 hanggang 27 ng Marso ng kasalukuyang taon.

Pinag-aralan din ng komite ang mga plano ng mga concerned agency at mga stakeholders sa paghahanda ng paparating na Holy Week, kasama na rin ang kanilang contingency measures para sa mgha inaasahang traffic congestion.

Ang mga measure na ito ay upang maseguro ang convenience, safety at security ng riding public at ang pagpapalawig at pagpapalago ng local tourism.

Sa paumpisa ng hearing, pinasalamatan ni Sarmiento si House Speaker Pantaleon Alvarez at ang House leadership sa paggawa ng kauna-unahang Naval Highway, Roads and Ports Inspection na naging isang reality.

Ayon kay Sarmiento, ang suporta nina Speaker Alvarez at Majority Leader Rodolfo Farinas ay mahalaga para maging worthwhile endeavor at isang reality ang kanilang ginawa.

Ang kanilang isinagawang Highway Inspection, ayon pa kay Sarmiento, ay makasaysayan dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang buong liderato ng Kamara ay nag-inspeksiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Pinasalamatan din ni Sarmiento ang iilang mga chairman ng mga komite na sumali sa transportation panel at iilang ding mga legislator na kasama sa mga roll-on, roll-off (RORO) inspeksiyon.


May iilan ding mga sumama na galing sa iilang mga ahensiyang pamahalaan at mga stakeholders.

Ang mga lawmaker ay sumali sa 11-day caravan sa iilang mga parte ng Luzon, Visayas at Mindanao upang mag-inspectng nautical highway, mga kalsada, mga tulay, at mga tourist distination.

Hindi pa tapos ang laban! Maralita at mamamayan, magkaisa!' - Kabataan Partylist

Inanunsyo ni Kabataan Partylist Rep Sarah Elago na hindi pa tapos ang laban ng maralitang lunsod kasunod ng anunsyo ng National Housing Authority (NHA) na ipoproseso na nila ang aplikasyon ng mga umokupa sa mga nakatiwangwang na housing units ng NHA sa Bulacan.

Sinabi ni Elago na ito ay isang hakbang umano tungo sa tagumpay at pagpupugay sa KADAMAY at sa lahat ng maralitang lumalaban. Patunay umano ito sa lakas ng sama-samang pagkilos ng mamamayang nagkakaisa.

Ngunit hindi pa umano tapos ang laban hangga’t hindi pa napapasakanila nang tuluyan ang mga bahay, at hangga’t ang milyong-milyong maralita sa bansa ay wala pang sariling bahay, tuloy pa rind daw ang laban.

Noong Lunes, ika-27 ng Marso, nagkaroon ng diyalogo sa pagitan ng NHA at KADAMAY, kasama ang ilang kinatawan mula sa Makabayan bloc at sa ginawang press conference ng Makabayan matapos ang diyalogo, inanunsyo nila na ang ilan sa mga napagkasunduan ng dalawang panig: (1) imbes na eviction ay magkakaroon na ng on-site validation at processing ng applicant para sa housing; (2) magkakaroon ng continuous processing at profiling on-site simula April 3 para sa mga miyembro ng KADAMAY at para naman sa 171 na nakapirma na sa housing information form, ipoproseso na ito kaagad; at (3) ipupull-out na ang lahat ng pulis at militar para maiwasan ang anumang harassment.

Ikinalulugod man umano nila ang magandang balitang ito, ito’y isang hakbang pasulong pa lamang kung kaya’t kailangang mas patatagin pa umano nila ang kanilang hanay at ituloy ang laban, laluna na sa anumang porma ng panloloko at panggigipit at hindi daw sila dapat maging kampante.

National Feed Program, aprubado na sa Kamara

Sa pagsikap ng Kamara de Representates na mapangalagaan ang mga batang mag-aaral laban sa masamang epekto ng malnutriation at upang mapaganda ang kanilang learning practices, inaprubahan nito sa pangalawang pagbasa ang HB05269, ang panukalang naglalayong i-institutionalize ang National School Feeding Program para sa public kindergarten at elementary pupils.

Ang panukalang ito ay inendorso para aprubahan sa plenaryo ng committee on basic education and culture na pinamunuan ni Sorsogon Rep Evelina Escudero.

Sinabi ni Cebu City Rep Raup del Mar, principal na may-akda ng panukala ang mga bata na pumapasok sa eskuwela na practically ay walang almusal galling sa kanilang mga tahanan ay hindi maaasahang makakapag-absorb ng mga leksiyon sa eskuwela habang kumakalam ang kanilang mga sikmura.

Ang panukala, ayon pa kay del Mar, ay ipapatupad sa mga public school dahil karamihan o halos lahat nga mga school children na naka-enrol ay galing sa mga mahihirap na pamilya at sila ay nagdurusa sa undernourishment at malnourishment na sadyang nakaka-apekto sa kanilang kapasidad na maka-attain at mgaka-maintain ng average academic performance.

Ang HB05269 ay nagdi-deklara na palisiya ng Estado na i-promote ang karapatan ng mga bata para sa survival, development at special protection na may buong pagkilala hinggil sa nature ng childhood at ang mga special needs nito.

Inaprubahan na ng Kamara ang free wifi bill

Ang panukalang inaasahang tutugon sa problema ng bansa hinggil sa interconnectivity sa pamamagitan ng free wireless access points sa lahat ng major public places ay ganap nang inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara de Representantes.

Ang HB05225 o ang proposed Free Public Wifi Act ay nagmamando sa Pamahalaan, kasama ang mga local government units (LGUs) at government-owned and –controlled corporations (GOCCs) na mag-i-instalar ng broadband hotspots sa mga public areas na magpo-provide ng isang matatag at reliable wireless internet connection sa lahat nang oras, para ma-encourage ang discourse at trade sa mga internet-related goods, services at content.

Ang mga lugar na lalagyan ng broadband hotspots ay ang lahat na mga building ng national government offices, kasama na ang mga regional at satellite offices nito, provincial capitols , at city at municipal halls, public primary and secondary school, at mga gusali ng state universities and colleges (SUCs).

Ganun din ang mga public libraries, parks and plazas, barangay reading centers, public hospitals, at rural health units, public transportation terminals kagaya ng airports, seaports, MRT at LRT stations at mga public bus terminals

Walang puwang ang mga gamit nang cooking oil para sa human comsumption

Hinarap ngayon ni AKO Bicol partylist Rep Rodel Batocabe ang banta ng pagsasagawa ng recycling ng mga gamit nang cooking oil para sa human concumption.

Sa HB00814 o ang Act prohibiting the selling and retailing of used cooking oil for human consumption, ang sinumang indibidwal or entity ay paparusahan kung mahuli ito sa unlawful trade o paggamit ng gamit na na cooking oil para sa human consumption.

Sa kasalukuyan, ang panukala ay nasa house committee on Health upang talakayin.

Sinabi ni Batocabe na ang Carcinogen ay nakukuha sa cooking oil at sa iba pang mga dangerous toxins na magreresulta ng hypertension, damage sa atay, at increase sa risk na mag-acquire ng disease.
ThinkExist.com Quotes